Mga Kababayan,
ipinakikilala ang Pangulo ng Republika ng Pilipinas! Siya ay tunay na Pilipino.
Nananalaytay sa kanyang mga ugat ang dugo ng mga ninunong nagbuwis ng buhay
para sa kalayaan ng Perlas ng Silangan.
Malaking papel na gagampanan ng Pangulo sa susunod na anim na taon na kasaysayan ng Pilipinas at sa direksyong tinatahak nito. Bilang pinakamataas na namumuno sa Bansa, dapat lang na magkaroon ng matalinong pagpili. Bomoboto ang marami batay sa dikta ng kanilang konsensya bagama’t mayroong ding pumipili ng kandidato base sa impluwensya ng lipunan, dugo, lugar, ka-grupo o ka-partido.
Malaking papel na gagampanan ng Pangulo sa susunod na anim na taon na kasaysayan ng Pilipinas at sa direksyong tinatahak nito. Bilang pinakamataas na namumuno sa Bansa, dapat lang na magkaroon ng matalinong pagpili. Bomoboto ang marami batay sa dikta ng kanilang konsensya bagama’t mayroong ding pumipili ng kandidato base sa impluwensya ng lipunan, dugo, lugar, ka-grupo o ka-partido.
Silipin natin ang
katangian ng Pangulo na hinahanap ng madla.
“Dapat may matapang
na solusyon... at mabilis na aksyon.”
-Ryan Ang, Cotabato City
“Mahilig mag-joke!”
-JC Sabio, Laguna
“POSITIVELY
Inspiring.”
-Maylyn Pagatpatan, Quezon City
“Dapat
yung walang takot at matapang!”
-Numar Salik, United Arab Emirates
“Dapat
walang takot, walang kinkilingan. Di beholden sa iba. Competent, with
experience, at hindi corrupt! Dapat Pilipinong tunay! Hahahah”
-Nayco Yap, Bulacan
Dapat
recognize nya na hindi lamang iisang race mayron ang pilipinas . May track
record ng doing something about it.
-Ayna Bakre, North Cotabato
Dapat
disente, may moral ascendancy, pwedeng ipagmalaki sa ibang bansa, at di
kurakot.
-Roy Dimayuga, Caloocan City
“Hindi
corrupt, marunong makinig sa mga tao lalo na sa mga mahihirap, patas at may
takot sa Diyos.”
Jm Pios, Middle East
May
malasakit sa bayan, dedicated at hindi corrupt. Higit sa lahat ay
kagalang-galang manalita para magandang ehemplo sa mga kabataan.”
-Gretchen Carter, Australia
-Gretchen Carter, Australia
“May
malinis at mahusay na liderato sa isip, salita at lalo na sa gawa.”
-Jonathan Husain, North Cotabato
“Yung
kagaya ng mayor ng Davao...hahaha”
-Edan Hilario, North Cotabato
“May
malasakit Sa kapwa. Hindi corrupt, matapang at Walang kinikilingan.”
-Rohaida Salik, United Arab Emirates
“Una
sa lahat na katangian ay may takot sa Diyos at hindi ginagawang Diyos ang
kanyang sarili.... Batas hindi dahas ang makataong pananaw. Pina prioridad ang
edukasyon para mamulat ang lahat sa lahat ng antas ng korapsyon.... May
malasakit sa mga nasa abang kalagayan para maitaas ang estado ng pamumuhay
gamit ang pagpapaunlad sa ating likas na yaman gaya ng agrikultura at higit sa
lahat ay mabigyan ng puwang at ating mga mananaliksik na kababayan para sa ika
uunlad ng ating bansa.”
-Treb Almario Villaflor, Quezon Province
“Prinsipyo,
puso, at sinseridad na manilbihan sa bayan at may kakayang gumawa ng pagababgo
na ramdam Hindi lang ng mga nasa mataas na antas na mamamayan bagkus pati ng
nasa laylayan ng lipunan.”
-Kathleen Cecille, Davao Oriental
“Yung may kayang panindigan at isapuso ang Republic Act No. 6713 (CODE OF CONDUCT AND
ETHICAL STANDARDS FOR PUBLIC OFFICIALS AND EMPLOYEES)”
-Haydee Ann,
Australia
“Piliin ang pamilyang
Pilipino...hahaha. Dapat God-fearing at may konsensya tapos may puso sa mga
less fortunate at may gender sensitivity.”
-Michael Aldous,
Eastern Samar
Sa darating na Mayo Nuwebi,
magdesisyon na ang sambayanan. Marami ang umaasang mabago ng sunod na Pangulo
ang takbo ng buhay, pulitika at lipunan sa bansa.
Walang magagawa ang isang Pangulo kung hindi magbabago ang mga mamamayan; kung hindi susuporta ang nasa Local Government Units at lahat ng departamento ng Pamahalaan.
Walang magagawa ang isang Pangulo kung hindi magbabago ang mga mamamayan; kung hindi susuporta ang nasa Local Government Units at lahat ng departamento ng Pamahalaan.
Bagama’t nahahati ang mga
mamamayan sa limang kandidato sa Pagkapangulo, ang lahat ay naghahangad ng
katahimikan at kaunalaran, isang bansang malaya at progresibo.
Dahil magkaiba ang
sinusuportahang kandidato, hindi ito dapat maging dahilan upang
magkakawatak-watak ang mamamayan.
Sa dulo ng lahat ng
pagtututngalian, nasa kamay pa rin ng mamamayan ang tunay na lakas ng Pangulo
at Pagbabago.