20 Apr 2016

Sagisag ng Bansa

Mga Kababayan, ipinakikilala ang Pangulo ng Republika ng Pilipinas! Siya ay tunay na Pilipino. Nananalaytay sa kanyang mga ugat ang dugo ng mga ninunong nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng Perlas ng Silangan.

Malaking papel na gagampanan ng Pangulo sa susunod na anim na taon na kasaysayan ng Pilipinas at sa direksyong tinatahak nito. Bilang pinakamataas na namumuno sa Bansa, dapat lang na magkaroon ng matalinong pagpili. Bomoboto ang marami batay sa dikta ng kanilang konsensya bagama’t mayroong ding pumipili ng kandidato base sa impluwensya ng lipunan, dugo, lugar, ka-grupo o ka-partido.
Silipin natin ang katangian ng Pangulo na hinahanap ng madla.
“Dapat may matapang na solusyon... at mabilis na aksyon.”
 -Ryan Ang, Cotabato City

“Mahilig mag-joke!”
-JC Sabio, Laguna

“POSITIVELY Inspiring.”
-Maylyn Pagatpatan, Quezon City

“Dapat yung walang takot at matapang!”
-Numar Salik, United Arab Emirates

“Dapat walang takot, walang kinkilingan. Di beholden sa iba. Competent, with experience, at hindi corrupt! Dapat Pilipinong tunay! Hahahah”
-Nayco Yap, Bulacan

Dapat recognize nya na hindi lamang iisang race mayron ang pilipinas . May track record ng doing something about it.
-Ayna Bakre, North Cotabato

Dapat disente, may moral ascendancy, pwedeng ipagmalaki sa ibang bansa, at di kurakot.
-Roy Dimayuga, Caloocan City

“Hindi corrupt, marunong makinig sa mga tao lalo na sa mga mahihirap, patas at may takot sa Diyos.”
Jm Pios, Middle East

May malasakit sa bayan, dedicated at hindi corrupt. Higit sa lahat ay kagalang-galang manalita para magandang ehemplo sa mga kabataan.”
-Gretchen Carter, Australia

“May malinis at mahusay na liderato sa isip, salita at lalo na sa gawa.”
-Jonathan Husain, North Cotabato

“Yung kagaya ng mayor ng Davao...hahaha”
-Edan Hilario, North Cotabato

“May malasakit Sa kapwa. Hindi corrupt, matapang at Walang kinikilingan.”
-Rohaida Salik, United Arab Emirates

“Una sa lahat na katangian ay may takot sa Diyos at hindi ginagawang Diyos ang kanyang sarili.... Batas hindi dahas ang makataong pananaw. Pina prioridad ang edukasyon para mamulat ang lahat sa lahat ng antas ng korapsyon.... May malasakit sa mga nasa abang kalagayan para maitaas ang estado ng pamumuhay gamit ang pagpapaunlad sa ating likas na yaman gaya ng agrikultura at higit sa lahat ay mabigyan ng puwang at ating mga mananaliksik na kababayan para sa ika uunlad ng ating bansa.”
-Treb Almario Villaflor, Quezon Province

“Prinsipyo, puso, at sinseridad na manilbihan sa bayan at may kakayang gumawa ng pagababgo na ramdam Hindi lang ng mga nasa mataas na antas na mamamayan bagkus pati ng nasa laylayan ng lipunan.”
-Kathleen Cecille, Davao Oriental

“Yung may kayang panindigan at isapuso ang Republic Act No. 6713 (CODE OF CONDUCT AND ETHICAL STANDARDS FOR PUBLIC OFFICIALS AND EMPLOYEES)”
-Haydee Ann, Australia

“Piliin ang pamilyang Pilipino...hahaha. Dapat God-fearing at may konsensya tapos may puso sa mga less fortunate at may gender sensitivity.”
-Michael Aldous, Eastern Samar

Sa darating na Mayo Nuwebi, magdesisyon na ang sambayanan. Marami ang umaasang mabago ng sunod na Pangulo ang takbo ng buhay, pulitika at lipunan sa bansa.

Walang magagawa ang isang Pangulo kung hindi magbabago ang mga mamamayan; kung hindi susuporta ang nasa Local Government Units at lahat ng departamento ng Pamahalaan.

Bagama’t nahahati ang mga mamamayan sa limang kandidato sa Pagkapangulo, ang lahat ay naghahangad ng katahimikan at kaunalaran, isang bansang malaya at progresibo.

Dahil magkaiba ang sinusuportahang kandidato, hindi ito dapat maging dahilan upang magkakawatak-watak ang mamamayan.


Sa dulo ng lahat ng pagtututngalian, nasa kamay pa rin ng mamamayan ang tunay na lakas ng Pangulo at Pagbabago.

No comments:

Post a Comment