18 Apr 2016

Silakbo ng Damdamin

Di na kailangan pang mapunit at magkawatak-watak ang sambayanan kung pwede naman palang mabuo at magkabuklod-buklod.

Sa paghahangad ng katiwasan ng lipunan, kaunlaran ng bawat pamayanan at pagbabagong ninanais, hindi na nararapat na magbatuhan ng putik sa mukha.

Ang pagkakaibigan, pagkakamag-anak at pagkakapit-bahay at isama na rin ang katahimikan sa bawat tahanan at pamayanan ay hindi na dapat mapunit dahil lang sa pagdaan ng kampanya at eleksyon.

Hindi ang pagtutunggalian at kaguluhan ang dapat na maipamana sa mga kabataan at sa susunod na salinlahi.

Maraming kalabisan na rin ang nangyayari. Maraming nag-uudyok sa sitwasyon. Kung patuloy ang bangayan at maruming uri ng kampanya at pulitika, darating ang panahon na hindi lang kasaysayan ang hahatol bagkus ay ikakahiya ng susunod na henerasyon ang nakaraan.

Sa wari ko lang naman.

No comments:

Post a Comment