Habang nasa loob ako ng pampasaherong sasakyan sa
Cotabato City, may dalawang babae na nasa edad mahigit kwarenta na nag-uusap
tungkol sa 18
March bilang isang holiday.
Sabin g isa sa kanila na ang holiday ay bilang Bangsamoro Day subalit wala na siyang alam na ibang detalye tungkol sa mahalagang araw. Tahimik lang akong nakikinig subalit lumipad na ang aking diwa at inalala ang kahalagahan ng 18 March.

Kahit na noong batang musmos pa ako ay lagi ko na
lamang naririnig ang tungkol sa Jabidah.
Naging bukambibig na ng marami kahit na sa panahong ito ang salitang Jabidah
lalo na sa mga tribu ng mga Muslim sa Pilipinas at hindi malilimot ng mga
mahilig sa kasaysayan.
Ang kamusmusan ko’y inakit na rin ng pagnanasang
malaman kung sino nga ba si Jabidah.
Naging palaisipan tuloy sa akin kung ano nga ba ang nasa likod ng
pangalang kakaiba.
Noong 2003, nakatanggap ako ng isang aklat tungkol sa
mahaba at armadong pakikibaka sa Mindanao. Naging interesado ako sa laman ng
aklat na bumalik tanaw sa Jabidah
Massacre na nangyari sa isla ng Corregidor
noong 18 March 1968.
Ang isla ay nasa bunganga ng Manila Bay na naging
mahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas. Ito ay naging isang kampo ng mga
magdirigmang Pilipino laban sa mga banyagang mananakop mula sa panahon ng
Espanya noong 15 Century hanggang sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig at pananakop
ng Hapon noong Dekada 40.
Ang isla ay naging saksi sa mga madugong kabanata ng
kasaysayan sa buong kapuluan lalo na sa pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga
mananakop.
Naging piping saksi rin ang isla sa kamatayan ng mga noon ay kabataang miyembro ng tribung Tausug at Sama mula sa mga Isla ng Sulu at Tawi-Tawi. Ang malagim na pagpataw sa mga kabataang ito ay tinawag na Jabidah Massarce.
Ang sundalong grupo na naghikayat sa mga kabataa mula sa Mindanao ay tinawag na Jabidah, isang pangalan ng babae sa mga kwento at epiko ng mga Muslim.

Kung hindi sa nag-iisang nabuhay sa masaker ay
mananatiling kubli sa kasaysayan ang pangyayari. Ang namumukod tanging nabuhay
ay si Jibin Arula na
27 anyos sa panahong iyon. Bagama’t sugatan, buong tapang niyang nilangoy ang
Manila Bay sa tulong ng isang pirasong kahoy na palutang-lutang sa dagat.
Siya ay inanod ng alon sa dalampasigan ng Cavite at doon siya tinulungan ng mga nagmalasakit. Si Jibin ay namatay noong 2010 dahil sa isang sakuna sa sasakyan sa Trece Martires, Cavite.
Kahit sa panahong ito, hindi pa mapag-alaman ang eksaktong bilang ng mga kabataang hinikayat na magsanay sa Corregidor at namatay sa Jabidah Massacre. Ang mga manunulat ay nagsasabing mula 28 haggang 68 ang namatay sa nasabing pangyayari (may mga nagsasabi na hanggang 200).

Ayon sa mga salaysay at pahina ng kasaysayan, ang ma
kabataan ay hinikayat na sumali sa pagsasanay bilang mga kawal ng bansa.
Napag-alaman nila na kaya sila sinasanay ay upang angkinin ang Sabah. Ang programang ito ng pamahalaan ay
tinatawag na Operation
Merdeka (Operation Freedom) sa ilalim ng Rehimeng Marcos.
Hindi umano sang-ayon ang mga kabataang mula sa Sulu
at Tawi-Tawi na lumaban sa Sabah dahil kapwa nila Muslim ang makakalaban lalo
na’t may posibleng makakalaban nila ang kapwa Tausug at Sama na nakatira sa
Sabah.
Ang ipinangakong P50.00 na buwanang sahod para sa kanila ay hindi umano natupad. Dahil sa mga kadahilanang ito ay humiling sila na ibalik na lang sila sa Mindanao subalit hindi sila pinayagan.
Dahil sa pagkadiskobre nila sa motibo kung bakit sila sinasanay bilang mga kawal at sa naging sitwasyon nila sa Corregidor ay nagresulta ito sa madugong pangyayari. Silang lahat ay hindi na nakabalik sa Mindanao maliban kay Jibin.

Nang mapadpad sa mga isla ng Sulu at Tawi-Tawi ang
masamang balita ay binalot ng pagdadalamhati ang mga isla at kanilang pamilya.
Hindi na natupad ang pangarap nilang makatulong sa hikahos nilang pamilya.
Pinaniniwalaan na ang pagsibol ng grupong Moro National Liberation Front (MNLF) na pinamunuan ni Nur Misuari ay insiprado ng Jabidah Massacre at ang pagdiriwang ng kanilang araw ng pagkatatag ay sa 18 March.

Ang MNLF ay naging sandigan ng armadong pakikibaka ng
mga Muslim sa Mindanao noong Dekada 70 at 80 na naging tulay sa paglikha ng Autonomous Region in Muslim Mindanao
(ARMM) at pagladga ng 1996 Peace Agreement ng
Pamahalaan ng Pilipinas at Pamunuan ng MNLF.
Ang 18 March ay isang holiday sa maraming lugar sa
Mindanao bilang Bangsamoro
Day, pag-alala sa Jabidah Massacre at MNLF Foundation Day.
Mula sa aking kamusmusan, nasaksihan ko na ang digmaan at ang dulot nitong kahirapan at pagdurusa sa mga lugar sa Mindanao. Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang pangarap ng marami na matuldukan na ang kaguluhan sa Mindanao.